Groundbreaking at awarding ceremony, isinagawa sa Camarines Norte
by Cristine Joy S. Corpuz (March 26, 2026)
Isinagawa noong March 17 sa Barangay Matacong, San Lorenzo Ruiz, Camarines Norte ang groundbreaking ng Coconut Cooking Oil Processing Facility para sa San Lorenzo Ruiz Farmers Agriculture Cooperative (SLRFAC), kasabay ng paggawad ng Certificates of Eligibility sa SLRFAC at Caayunan Multi-Purpose Cooperative (MPC).
Ang proyekto ay bahagi ng Coconut Farmers and Industry Development Plan - Shared Facilities for Processing (CFIDP-SFP), na naglalayong palakasin ang value-adding activities at kabuhayan ng mga magniniyog sa pamamagitan ng modern processing facilities.
Dinaluhan ang aktibidad ng mga kinatawan mula sa PHilMech, Philippine Coconut Authority (PCA), Cooperative Development Authority (CDA), Department of Trade and Industry (DTI), mga lokal na pamahalaan, at iba pang katuwang na ahensya. Isinagawa rin ang ceremonial unveiling, laying of time capsule, at pledge of commitment bilang simbolo ng pagsisimula ng proyekto.
Ipinahayag ng mga benepisyaryong kooperatiba ang kanilang pasasalamat at kahandaang pamahalaan ang pasilidad, habang tiniyak naman ng mga ahensya ang patuloy na suporta upang maisakatuparan ang proyekto.
Ang nasabing aktibidad ay itinuturing na mahalagang hakbang sa pagpapalakas ng coconut industry at pagpapabuti ng kabuhayan ng mga magsasaka sa Camarines Norte.